Tserman, huli sa baril

Arestado ang isang kapitan matapos mahulihan ng baril na hindi lisensiyado sa Sultan Kudarat, kamakalawa.
Pansamantalang ikinulong sa himpilan ng pulisya bago nakapagpiyansa si Datu Ayatullah Mapandala, 39, ng Bgy. Kiladap, Talitay, Maguindanao.
Batay sa report mula sa Police Regional Office 12, nadiskubre ang armas nang masangkot sa aksidente ang sasakyan ni Mapandala nitong Martes ng umaga sa bayan ng Esperanza.
Ang baril na isang .45 caliber pistol at isang firearm clip na puno ng bala ay nakita sa sling bag ni Mapandala at wala naman itong maipakitang dokumento.





Comments