Sanhi ng vaginal discharge pagkatapos manganak
Dear Doc. Shane, Nanganak ako last August at napansin kong may lumalabas na discharge sa aking ari. Sigurado akong walang sakit ang aking mister. Ano ang dapat kong gawin o inumin? — Wheng
Sagot Hindi lahat ng vaginal discharge ay nangangahulugan na maysakit ang babae. Halimbawa, kung klaro ang kulay ng lumalabas, ito ay bahagi ng normal na pagbabago sa puwerta ng babae tulad ng pagkakaroon ng mens. Subalit, may mga uri rin ng discharge na kailangan ng medikal na atensiyon, lalo na kung may amoy at kasamang pangangati ng puwerta.

Posibleng ito ay STD kung mabaho at kakaiba ang kulay (may pagkaberde o gray), malapot na parang nana at masakit kapag nakikipagtalik. Ang chlamydia, gonorrhea at trichomoniasis ay malamang na nakuha o nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Pero ang candidiasis ay may ibang sanhi tulad ng pag-inom ng antibiotics o pagiging buntis, nababago ang pH level at mga kemikal sa puwerta at nagkakaroon ng pagkakataon na tumubo ang mga fungus.
Kaya maipapayo na magpa-examine ng iyong vaginal discharge para makasiguro.





Comments