top of page
Pokwang.jpg

Rumesponde kontra akyat-bahay 4 bgy. officials pinagbabaril

Janice Baricuatro
Oct 3, 2019
1 min read

Sinalubong ng sunud-sunod na putok ng baril ang apat na barangay officials na rumesponde sa biktima ng akyat-bahay sa Bgy. Pasong Langoa, Silang, Cavite.

Ayon kay Police Major Resty Soriano, patuloy na ginagamot sina Resty Balla, 18; Arsenio Pallagao, 37; Henry Casalme, 47, at Juanito Pacundo, 60, pawang mga barangay police ng Bgy. Pasong Langka.

Alas-11:05 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga biktima na may insidente ng akyat-bahay sa kanilang lugar sa bahay ng isang Gendelly Santos, 24.

Agad rumesponde ang mga biktima subalit, pagdating sa nasabing bahay ay hindi nila inakala na armado ng baril ang mga suspek.

Papasok pa lamang sila ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga suspek na nasa loob ng bahay.

Duguan ang apat na biktima habang nakatakas naman ang mga suspek.

Sa pahayag ng may-ari ng bahay, kakauwi pa lamang niya at nang papasok na siya sa kanilang gate nang bigla na lamang siyang sabayan ng mga suspek at tinutukan siya ng baril, gayundin ang kanyang maid.

Ipinasok sila sa loob ng bahay at dito na nagsimulang magnakaw ng mga suspek habang palihim namang nakahingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay.

Samantala, hindi naman natangay ang mga ninakaw matapos ang mabilis na pagresponde ng mga barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page