Perez ng Dyip, nakahabol sa last trip sa B. Pier
- ATD
- Oct 3, 2019
- 1 min read

Sinagasaan ng Columbian Dyip ang NorthPort Batang Pier, 114-108 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nangalabaw si super rookie CJ Perez ng 26 points, 11 rebounds at anim na assists upang ilista ang pangalawang panalo sa tatlong laro. Nanagasa agad ang Batang Pier sa first canto matapos hawakan ang eight-point lead, 30-28.
Hindi nagpabaya ang NorthPort sa second quarter kaya nanatili sa kanila ang bentahe, 60-52 sa halftime. Nag-iba ang ihip ng hangin sa third period, pumabor sa Dyip ang bola matapos maagaw ang bentahe, 90-85. Naging maingat ang Columbian sa payoff period upang mapanatili ang lamang at makuha ang panalo. Samantala, ibabandera ng Alaska Aces ang kanilang bagong import pagharap nila sa Meralco Bolts bukas ng 4:30 p.m. sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Humalili si Franko House sa may injury na si Justin Watts. Nagkaroon ng injury si Watts sa kanilang practice tatlong araw bago ang laro nila sa San Miguel Beer nooong Linggo.Dahil hindi naglaro si Watts, natambakan ang Alaska sa Beermen, 83-109. Tangan ng Aces ang 0-3 karta, nag- average si Watts sa dalawang laro ng 31 points, 13 rebounds at 2.5 assists.
Noong Lunes pa nasa bansa si 25-year-old, House na produkto ng NCAA Division 1 school Ball State University. Magkakaldagan naman ang Magnolia Hotshots at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi.
Mga laro bukas: (Mall of Asia Arena)4:30 p.m. - Meralco vs Alaska;7:00 p.m. - Magnolia vs Rain or Shine





Comments