Mocha, hindi gradweyt pero P155k monthly ang suweldo sa Owwa
HINDI KAYA ‘DILAWAN’ SI MAGALONG?—Sa pagdinig sa drug case ni Sen. Leila de Lima noong Feb. 22, 2019, pumabor sa senadora ang salaysay ni Baguio City Mayor at ex-CIDG Director Benjamin Magalong nang sabihin na ang state witness ng gobyerno laban kay Sen. De Lima na si ex-BuCor Officer-in-Charge (OIC) Rafael Ragos ay sangkot daw sa operasyon ng droga sa Bilibid at ngayon naman, ang isinasangkot niya (Magalong) sa mga “ninja cops” ay si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.
Hindi kaya dilawan si Mayor Magalong kasi ang mga tinitirya nito ay testigo ni DOJ Sec. Menardo Guevarra at ang appointed PNP Chief ni P-Duterte? Boom!
◘◘◘
YARI ANG MGA PABAYANG ANAK SA PANUKALANG-BATAS NI SEN. LACSON—Isinulong ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang-batas na Parents Welfare Act of 2019 kung saan ang mga anak na magpapabaya sa magulang ay parurusahan ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P300,000.
Sa panukalang-batas ni Sen. Lacson, yari ang mga pabayang anak, period!
◘◘◘
KAHIT WALANG MASTER’S DEGREE SI MOCHA, P155K MONTHLY ANG SUWELDO NIYA—Kung may delicadeza si ex-MTRCB Board member at ex-PCOO Asst. Sec. Mocha Uson, dapat hindi niya tinanggap ang posisyong deputy director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit inalok sa kanya ito ni P-Duterte kasi marami na siyang nagawang kapalpakan bukod pa sa wala naman siyang master’s degree in leadership and management.
Pero dahil kapalmuks si Mocha at magkakasuweldo raw siya ng mahigit P155K monthly, sinunggaban agad nito ang posisyong OWWA deputy director, buwisit!
◘◘◘
“MINERVA”, FINANCIER NA NG “PAIHI”, MAY RAKET PANG COLOR GAMES AT DROP BALLS—Bukod daw sa pagiging financier ng “Paihi Gang” sa CALABARZON, nagkalat din daw ang raket na color games at drop balls ni “Minerva” sa Batangas.
Dapat yata, magsanib-puwersa na ang PNP at NBI para ma-”tokhang” na si “Minerva”, period!





Comments