MMDA sa mga malls: Weekday sale, bawal
- Jeff Tumbado
- Oct 3, 2019
- 1 min read

Maaaring ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal ng mga sale sa mall tuwing weekday kasabay ng pansamantalang pagpapabago sa oras ng operasyon nito ngayong holiday season.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Planning Joe Campo, nakikipag-usap na sila sa mga mall owner na gawin na lang ang mall sale o kahit mga concert kung weekends.
Nais din nitong maipagbawal ang delivery ng goods o mga produkto kung umaga at maaari lamang isagawa mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.
Wala pang petsa ng pagsisimula ng implementasyon ng nasabing hakbang dahil muli pa silang makikipagpulong sa mga mall operators ngayong buwan para isapinal ang mga detalye.
Tinataya ng MMDA na nasa 300,000 ang mga empleyado ng mall sa Metro Manila kaya makabubuti umanong mag-carpooling na lang ang mga ito upang mabawasan ang mga sasakyan sa kalye.





Comments