top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Misis na supplier ng droga sa selda, tiklo

  • Mylene Alfonso
  • Oct 3, 2019
  • 1 min read

Hindi na nakalabas ng Manila Police District-Station 4, ang misis na nadiskubreng supplier ng shabu sa ilang preso, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang suspek na si Aileen Manuzod alyas Aida, 34, ng Bgy. 420, Zone 43, Sampaloc habang ang inmate na huling inaabutan nito ng droga ay si Abdullah Ampatua, 21.

Ayon kay PCol. Robert Domingo, nagduda umano sila kay Manuzod matapos makakita ng shabu at mga drug paraphernalias sa selda kaya inobserbahan ang babae na madalas dumadalaw sa kanyang asawang si Russel Cumigad.

Nang muling dumalaw ang ginang, inobserbahan na ito ng mga pulis kung saan nakitang pumunta ito sa kabilang selda at may dinukot sa ilalim ng kanyang short at iniabot kay Ampatua.

Dito na siya sinita ni Patrolman Bernadeth Mapue at nakuha sa kamay ni Ampatua ang dalawang sachets ng shabu at P600 naman kay Manuzod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page