LRT at MRT, nagkaaberya
- BRT
- Oct 3, 2019
- 1 min read

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT at MRT.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nagkaroon ng technical problem at pansamantalang natigil ang operasyon alas-9:49 kahapon ng umaga.
Hindi naman na binanggit ng LRTA kung anong partikular na problema ang naranasan. Hanggang sa alas-10:19 ng umaga nang mag-tweet ang LRT-2 na normal na ang operasyon nito.
Samantala, nakaranas din ng aberya sa biyahe ang Metro Rail Transit-3.
Ayon sa abiso ng DOTr-MRT-3, alas-10:17 ng umaga ng Martes nang magkaroon ng problema sa power supply sa Ayala Station hanggang sa Taft Avenue Station.
Agad umanong naitawag sa power personnel ng MRT-3 ang problema para maisaayos.
Alas-10:34 ng umaga, kinailangang ilikas ang mga pasahero ng tren na nasa pagitan ng Magallanes at Ayala northbound.
Patuloy pang inaalam ang dahilan ng naranasang problema.





Comments