top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Knights, Patriots at Cagers, wagi sa MPBL

  • MC
  • Oct 3, 2019
  • 1 min read

Pinalamig ng San Juan Knights ang lagablab ng Bicol Volcanoes, 98-69, Martes ng hatinggabi at pinahigpit pa nila ang kapit sa liderato ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa larong idinaos sa Mandaluyong Sports Complex.

Nakapagkamada ang Knights ng 14 of 32 triple upang rumagasa sa 42 points patunay na kaya nilang pigilan ang pag-agos ng lava ng Volcanoes na tanging nakagawa lamang ng 15 puntos na tres.

Muling tumingkad ang laro ni John Wilson para sa Knights na may 23 puntos kabilang na ang limang 3, 4 rebounds at 3 assists nang patahimikin ng MPBL Datu Cup champions ang pag-aalburoto ng Volcanoes, 94-56 sa 4th quarter bago nakuha ang 5 sunod na panalo.

May naambag din sa Knights na 11 points si Cedric Pelayo at dalawang tres ni Jhonard Clarito, na sumampa na sa 15-1 kartada panalo talo sa North division ng 31-team field. Dumanas ng ika-4 na diretsong talo ang Volcanoes at lagpak sa 8-9 ng South Division.

Sa iba pang laro, pinanis ng Parañaque Patriots ang Bacolod Master’s Sardines, 82-78. Nakagawa si James Patrick Abugan ng 9 puntos, 8 points si Jemal Vizcarra para sa back-to-back victory at umibayo sa 6-10 panalo-talo ang marka. Tinalo ng Muntinlupa Cagers ang Biñan City, Laguna, 102-90. Bumida sa Munti sina Ryusei Koga, Edzel Mag-Isa at John Kervin Ortuoste sa mga iskor na 21-20, 20. Umibayo ang kartada nila sa 4-13 win-loss.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page