top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Oktubre 03, 2019 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Oct 3, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 3, 2019 (Huwebes): Napaka­lakas ng iyong karisma da­­hil marami ang mga ma­tang luluha dahil sa iyo pero, ikaw ay may pag­kakata­ong luluha rin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa dikit nang di­kit sa iyo. Ma­hina ka ngayon kaya pu­wedeng mahulog ang loob mo at maiba ang prayori­dad mo sa buhay kung saan makalilimutan mo ang para sa kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-23-28-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang sinasabi ng puso mo, iyon ang gawin mo. Hahadla­ngan ka ng isip mo pero ang mahalaga ay ang ma­gawa mo ang bulong ng iyong damdamin sa araw na ito. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-34-39-43.

GEMINI (May 21-June 20) – Muling baba­gal ang ikot ng iyong mundo dahil sa mga tuksong pa­balik-balik sa harapan mo. Sa huli, mawawala ang mga ito dahil sa ka­tangian mong paiba-iba ng pasya. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-46.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang anumang gus­to mong gawin dahil ang sinumang magtatang­kang magbigay ng lung­kot sa iyo ay makakalaban ng la­ngit. Masuwerteng ku­ay-violet. Tips sa lotto-9-10-13-18-23-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Palayain mo ang sarili mo mula sa tani­kala ng masaklap na na­ka­raan. Ito ang susi para magdatingan ang iyong mga bagong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-25-28-35-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina na naman ang loob mo. Bi­langin mo ang nakara­ang mga ta­gumpay mo at sobra sa sapat ang mga ito para muli kang tuma­pang at guman­da ang kapala­ran mo. Masu­werteng ku­lay-red. Tips sa lotto-7-16-24-25-35-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka, mas malakas ang tukso kay­sa sa iyo pero makaka­iwas ka kapag inisip mo na ma­sisira ang buhay mo dahil sa tukso. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­la­ran. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa tabi mo ang iyong mga suwerte. Inilapit ito sa iyo ng la­ngit para hindi ka na ma­hirapan na hanapin ang mga ito. Huwag mo nang isipin na nasa malayo ang iyong suwerte. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-8-18-20-24-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipahalata na ikaw ay na­­aawa dahil muli kang di­diskartehan ng iyong kaa­awaan. Muli, huwag mong ipahalata na ikaw ay na­aawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-26-31-32-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka kahit tina­tamad ka. Ku­milos ka rin kahit wala kang sigla. Sa iyong mga pagkilos, magiging posi­ti­bo ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerwteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-22-24-25-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsisi­mula nang ma­lagas ang mga dahon ng halaman. Mag­sisimula na ring ma­wala sa buhay mo ang matagal nang umaalipin sa iyo. Ito ay para sa pagbabago ng kapalaran mo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-24-39-43-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ngayon ang panahon para sa pagba­bago ng plano. Ituloy mo ang nauna mong plano da­hil makabubuti ito sa iyo at may ilan pang magagan­dang bagay na mapasasa­iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-26-28-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page