top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Empleyado ng shipyard nakuryente, dedo

  • Maeng Santos
  • Oct 3, 2019
  • 1 min read

Patay ang 33-anyos na empleyado ng isang shipyard nang makuryente habang pinipinturahan ang ilalim na bahagi ng isang barge sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang nasawi na si Lemuel Camacho, ng Bgy. 28, Caloocan City na hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital.

Alas-2:30 ng hapon, nakatayo ang biktima at nakasawsaw ang paa sa tubig-dagat habang pinipinturahan ang ilalim na bahagi ng isang barge sa Western Shipard sa M. Naval St., Bgy. San Jose nang mahulog sa tubig ang kable ng welding na gamit ng isa pang empleyado ng shipyard.

Ayon sa saksing si Alejandro Ocampo, 42, narinig niyang sumisigaw ang biktima, humihingi ng tulong at ipinapapatay din ang welding machine.

Nang mapatay ang makita ay nakita ng mga katrabaho na nakabulagta si Camacho sa tubig-dagat kaya agad itong isinugod sa nasabing ospital.

Sa pahayag sa pulisya ni Lambert Sianghio, technical supervisor at anak ni Western Shipyard President Rogelio Sianghio, aksidente ang nangyari at handa silang ibigay ang nararapat sa pamilya ng namatay nilang empleyado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page