top of page
Pokwang.jpg

2 Pinoy, patay sa gumuhong tulay sa Taiwan

Gina Pleñago
Oct 3, 2019
1 min read

Natagpuan na kahapon ang mga bangkay ng dalawang Pinoy na nawawala sa gumuhong tulay sa Taiwan, batay sa ulat ng Manila Economic Cultural Office (MECO).

Samantala, ayon kay MECO Director for Administration Jerry de belen, tinitingnan na ang tatlo pang Pinoy fishermen na nasa pagamutan dahil sa mga minor injuries.

Kinilala ang dalawang Pinoy na nasawi na sina Andree Abregana Serencio at Gorge Jagmis Impanga, na tinamaan ang fishing vessel nang bumagsak ang tulay.

Panawagan ng MECO sa mga naapektuhang Pinoy na nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan o sa kanilang Facebook page upang agad silang mabigyang ng ayuda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page