top of page
Pokwang.jpg

‘Carmageddon’ sa holiday season, pinaghahandaan na

Jeff Tumbado
Oct 3, 2019
1 min read

Makikipag-usap muli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operators upang mabago pansamantala ang oras ng operasyon ng kanilang mga establisimyento.

Sa harap ito ng inaasahang carmageddon o dagsa ng mga sasakyan sa papalapit na holiday season.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni MMDA Assistant General Manager Jose Campo, ipanunukala nilang buksan ng alas-11:00 ng umaga ang mga malls na nasa EDSA at iba pang pangunahing lansangan.

Depende na umano sa mga malls kung anong oras magsasara.

Samantala, inabisuhan naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga airline companies na sundin ang mga oras ng departure at arrival ng kanilang mga pasahero para maiwasang magkaroon ng congestion sa mga paliparan ngayong holiday season.

Ang Philippine National Railways ay nakatakda namang magdagdag ng biyahe simula sa Nobyembre 15. Magiging extended na rin ang operasyon mula sa dating alas-7:30 ng gabi ay magiging alas-8:30 ng gabi.

Ipinanukala naman ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na bumuo ng special committee para lamang ngayong holiday season upang mapag-isa ang mga plano at programa ng mga ahensiya ng gobyerno na layong mabawasan ang bigat ng trapiko lalo na sa Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page