Sino si Lulu sa buhay ni Luis?
- Janice Navida
- Oct 2, 2019
- 2 min read

Janice Navida / Celebrity BTS

Hello, Ka-BULGAR! May good news kami sa ‘yo!
Follower ka na ba ng bulgaronline.com?
Kung hindi pa, aba, dapat ay mag-follow ka na para updated ka sa bagong online show na hatid ng aming pahayagang BULGAR, ang CELEBRITY BTS!
Yes, mga BFF, ‘tol, lodi, beshies, mare at pare, sa Sabado na, October 5, ang launching ng first episode ng aming bagong celebrity online show na tatalakay sa mga behind the scenes na buhay ng mga paborito nating artista tulad na lang ng hilig nila sa pagnenegosyo, gayundin ang ibang ganap sa kanilang personal na buhay.
Get to know more your favorite stars at bakit nga ba sila nahihilig sa pagnenegosyo… tulad na lang ng ating first celebrity guest na si Luis Manzano.
◘◘◘

NAGSIMULA sa pagkakaibigan nu’ng kanilang kabataan, nauwi sa pagnenegosyo.
Ito ang kuwento ng Lucky and Lulu perfume na pag-aari ng TV host-actor-endorser na si Luis Manzano kasosyo ang mga kaibigang sina Raymond Daylo at Ron Estrella.
Last July, 2018 lang nagsimula ang Lucky and Lulu, at after one year lang, mai-imagine mo bang may ilang branches na rin sila at patuloy pang lumalaki ang negosyo?!
Aminado ang magkakaibigang hindi madali ang naging pagsisimula ng kanilang negosyo, lalo’t marami nang naunang brands ng pabango sa market. But still, dahil pare-pareho silang mahilig sa pabango, hindi sila sumuko at nag-isip pa ng mga paraan kung paano mas lalawak ang kanilang market at makatulong sa bawat Pilipinong gusto ring magnegosyo.
At dito nga pumasok ang konsepto ng franchise at reselling kung saan tumatanggap ang Lucky and Lulu ng mga negosyanteng gustong mag-franchise ng kanilang negosyo, habang para sa mga maliliit na businessmen, puwedeng-puwede rin silang maging resellers ng perfume products nina Luis, Raymond at Ron na sa ngayon, napakarami nang iba’t ibang scents na mapagpipilian na puwede sa lahat ng gender at lahat ng edad.
Pero take note, bukod sa perfume, soon ay balak din palang maglabas ng iba’t ibang beauty and skin care products ng Lucky and Lulu.
But wait… sino nga ba si Lulu sa buhay ni Lucky at bakit ito ang napili nilang pangalan ng kanilang negosyo ng kanyang mga BFF na sina Raymond at Ron?

Hmmm…. Isa lang ‘yan sa mga dapat abangan sa pilot episode ng CELEBRITY BTS featuring LUCKY AND LULU PERFUME!
Marami pang kuwento sina Luis, Raymond at Ron na dapat n’yong tutukan sa apat na Sabado ng buong Oktubre na mapapanood sa CELEBRITY BTS!
At para sa mga Ka-Bulgar nating gustong magnegosyo at kumita nang malaki, make sure na ‘wag n’yong palalampasin ang first episode na ito ng CELEBRITY BTS dahil dito n’yo malalaman kung paano magiging reseller ng nasabing pinag-uusapang perfume business.
Just visit our website, bulgaronline.com on Oct. 5, 12, 19 and 26 para mapanood ang CELEBRITY BTS hosted by yours truly!





Comments