top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sen. Lacson at Drilon, tamang duda sa galawan ni Cong. Alan Peter sa P4.1 trilyong 2020 Nat'l Bu

Ka Ambo
Oct 2, 2019
1 min read

Lusot na sa third at final reading ang 2020 National Budget.

Hindi na ito madidiskaril tulad noong nakaraang taon.

Klap-klap-klap!

◘◘◘

KAYOD-KALABAW ang ginawa ng mga representante sa Kamara.

Nagtrabaho sila nang siyam na sunud-sunod na araw at umaabot ng 10 oras ang deliberasyon kada araw!

◘◘◘

PALAGING may quorum kaya mabilis ang pagpapatibay.

Nilinaw naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na walang “pork barrel”.

Ito ay sagot sa patutsada ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na sandamakmak ang nakatagong “pork” sa badyet!

◘◘◘

SINAGOT ng liderato ng Kamara ang mga paratang na may “pork barrel” sa ipinasang P4.1 trillion 2020 National Budget.

Hinamon ni Speaker Cayetano si Sen. Lacson na ituro nang espesipiko ang sinasabi niyang “pork barrel”!

◘◘◘

SAMANTALA, sumegunda si Sen. Franklin Drilon sa pagsasabing babantayan daw ni Sen. Lacson ang binuong “small committee” na nakatoka sa “pagbabago ng budget” matapos itong mapagtibay.

Ibig sabihin, maging si Sen. Drilon ay nagdududa rin sa 2020 National Budget na pinagtibay ng Kamara!

◘◘◘

IBIG sabihin, minamasama ni Sen. Drilon at nilalagyan niya ng masamang motibo ang agenda sa pagbuo ng “small committee”.

Pero, nilinaw ni Speaker Cayetano na unang binuo ang “small committee” sa Kamara noong 8th Congress na pinamunuan ni Jovito Salonga.

Layunin nitong mapabilis ang pagpapatibay at implementasyon ng badyet!

◘◘◘

UMABOT na sa mahigit 5,000 panukalang-batas ang naisumite sa loob lamang ng dalawang buwang pagbubukas ng Kamara.

Kabilang dito ang tax at economic reforms na prayoridad ni P-Digong!

◘◘◘

KUMBAGA sa puno, hitik sa bunga ang 18th Congress.

At ‘yan ang maaaring motibo kung bakit pinupukol ito ng dalawang senador.

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page