top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa titig lang, mabibiktima ka na... Mga taong negatibo sa buhay, gutom at may lihin , mas madaling t

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Oct 2, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Amie ng Amie_Hermosa @facebook.com

Dear Señor,

Totoo ba ‘yung pali­pad-hangin?

Nagpunta ako sa Lu­cena dahil birth­day ng kaibigan ko, tapos, su­makit ang tiyan ko at nang dumumi ako ay nawala rin.

Sabi nila, palipad-hangin daw ‘yun at ‘yung taong nagpalipad-ha­ngin sa akin ay maaaring naiinis, galit o naiinggit sa akin.

Naghihintay,

Amie

Sa iyo Amie,

Maraming dahilan ang biglaang pagsakit ng tiyan kung saan pagka­tapos du­mumi ay nawa­wala rin ang sakit.

Maa­aring naka­inom ka ng maruming tubig kaya ipinapayo na huwag umi­nom ng tubig sa lugar na pupuntahan mo.

Sa halip, uminom ng mineral bottled water at bago buksan, suriing ma­buti kung maayos ang pag­­kakaselyo nito upang masiguro na malinis ang tubig.

Sumasakit din ang ti­yan kapag nakakain ng mga pagkaing mahirap tunawin, lalo na sa gabi.

Kabilang sa mahirap tunawin ay ang mga karne ng matatandang manok, baboy o baka, gayundin ang mga gulay na magu­lang na.

Ang taong kulang sa ehersisyo ay hindi dapat kumain nang sobra sa mga handaan o party.

Samantala, totoo ang palipad-hangin at ito ay nagmumula sa mga ta­ong may “bales” o usog kung saan sa pamamagitan ng mabilisang pagtitig, ang mga taong mahina ang resistensiya at negatibo ang pananaw sa buhay ay madaling tablan, lalo na kapag nakadama ng takot.

Gayundin, ang taong gutom ay tinatablan ng palipad-hangin kaya hin­di dapat magpalipas ng gu­tom ang tao.

Hindi tinatablan ng bales o palipad-hangin ang mga taong may ma­lakas na personalidad, positibong pananaw at wa­­lang itinatagong lihim sa buhay.

Good luck and God bless.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page