top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagbili ng alak, pinag-awayan.. Mister, todas sa katoma

Jeff Tumbado
Oct 2, 2019
1 min read

Utas ang 54-anyos na obrero makaraang hatawin ng kawayan ng kanyang kainuman sa Cauayan City, Isabela, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Joseph Bautista habang ang suspek ay si Roberto Tagaca, 55, kapwa residente ng Bgy. Zone 3, Research Minante 1.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa nang biglang magtalo.

Sinasabing napikon ang suspek kaya kinuha ang kawayan na malapit sa kanilang pinag-iinuman at inihataw sa batok ng biktima bago tumakas.

Sa presinto na napag-alaman na ang ugat ng pagtatalo na nauwi sa krimen ay kung sino ang bibili ng alak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page