Mga bagsak sa road clearing campaign, ilalabas na
- V. Reyes
- Oct 2, 2019
- 1 min read

Magkakaalaman na sa Biyernes kung anu-anong mga lugar ang nabigong makatugon sa 60 araw na palugit para linisin ang mga bangketa at kalsada sa anumang harang.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, makukumpleto na ang kanilang validation at assessment at ihahanay ang mga nakapasa sa kanilang mga pamantayan.
“Dito malalaman natin kung pumasa ba ang ating mga LGU. Most of the obstructions were illegally parked vehicles, illegal terminals, illegal vendors, street dweller shanties, barangay outposts, encroachments and garbage piles,” ani Año.
Bagama’t, nauna nang ibinabala ng DILG na masususpinde ang mga lokal na opisyal na hindi makapapasa sa road-clearing standards nito, mabibigyan pa rin sila ng pagkakataon na magpaliwanag.
Paglilinaw ni Año, sakop ng paglilinis ang mga primary at secondary road na nagdurugtong ng mga lungsod na hindi bababa sa 100,000 residente.





Comments