Kaliwete, mas matalino kesa sa right handed

For sure, may mga kaibigan, kakilala o kamang-anak kayong left handed o kaliwete at sa totoo lang, minsan, hindi natin ito napapansin dahil para sa atin, wala itong pagkakaiba sa mga right handed.
Ayon sa mga eksperto, ang mga kaliwete ay higit na matatalino kumpara sa mga right handed. Totoo ba ito? Hmmm…
Sa pag-aaral, apat na genetic regions ang nakita ng mga researcher kung saan ito ang posibleng sanhi ng pagiging kaliwete, gayundin, ang rason kung bakit mayroong mataas na language skills ang mga ito.
Bagama’t, nabigo ang mga researcher sa pagtukoy ng ‘left handed genes’ o ang eksaktong dahilan ng pagiging kaliwete, nalaman nila na ito ay maaaring makuha sa kung paano nade-develop ang utak at microtubules ng katawan ng indibidwal habang ipinagbubuntis ito.
Ang microtubules ay mahalaga dahil ito umano ang bumubuo sa cytoskeleton o ang internal scaffolding na nagsisilbing “skeleton” na sumusuporta sa lahat ng cells.
Ayon kay Doktor Akira Wiberg ng University of Oxford, natuklasan nila na ang language areas ng kaliwa at kanang bahagi ng utak ng taong kaliwete ay may koordinasyon pagdating sa pakikipag-usap.
Dahil dito, mataas ang posibilidad na ang mga kaliwete ay may advantage pagdating sa verbal tasks.
Ayon kay Professor Dominic Furniss, base sa history, ang mga kaliwete ay maituturing na “malas” at malisyoso.
Dagdag pa rito, ito ay nagre-reflect sa Ingles ng kanan o right na ang ibig sabihin ay correct o proper habang sa French, ang ‘gauche’ ay nangangahulugang both left ay clumsy.
May tatlong protina na nag-uugnay sa buto sa loob ng cells na tinatawag na microtubules, ang maliliit na molecules na bahagi ng scaffolding o cytoskeleton at tumutulong sa pagsuporta sa mga cells.
Napag-alaman ng mga researcher na ang pagkakaroon nito ay nakaaapekto sa cytoskeleton sa isang bahagi ng utak.
Ngayong alam na natin ang ilang pagkakaiba ng mga kaliwete, huwag tayong magtaka kung bakit iba ang paraan ng kanilang pag-iisip at pagdedesisyon.
Gayunman, mga ka-Bulgar, hindi ito dahilan para ituring silang iba. Okie?





Comments