Diamond sa gintong singsing, panghigop ng suwerte kaya sure na makapag-a-abroad
- Maestro Honorio Ong
- Oct 2, 2019
- 1 min read
Dear Maestro, Ayos na ang lahat ng papeles ng misis ko papuntang abroad bilang domestic helper at malapit na siyang umalis. Gusto kong malaman kung talagang matutuloy na siya ngayon? Noon, palaging napo-postpone ang kanyang pag-alis dahil nabiktima siya ng illegal recruiter at malaking halaga ang naubos namin. Kung sakaling matutuloy na ang misis ko ngayon, magiging maganda kaya ang kalagayan niya sa bansang pupuntahan niya? March 28, 1986 ang birthday niya.
Umaasa, Ron ng Poblacion, Magsaysay, Mindoro
Dear Ron, Ayon sa birth date na 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/1+0=1) ng misis mo at sa destiny number na nagkataong 1 din (3+28+1986 =2017/ 20+17=37/ 3+7= 10/1+0=1) sa zodiac sign na Aries, tiyak ang magaganap, tuluyan nang makapag-a-abroad ang misis mo at magkakaroon ng mabunga at mabiyayang karanasan sa nasabing bansa.
Upang matiyak ang produktibo at mabungang pangingibang-bansa, palagi mo siyang pagsuotin at pagamitin ng suwerte niyang kulay na pula at dilaw.
Mapalad naman siya tuwing sasapit ang mga petsang 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, 28, 9, 18 at 27, ganundin sa mga araw ng Linggo, Martes, Huwebes at Biyernes.
Ang batong diamond naman na ipalalamuti sa gintong singsing ang magsisilbing panghigop ng suwerte at pantaboy ng negatibong kapalaran.
Sa ganyang paraan, kapag sinunod ninyo ang mga rekomendasyong inilahad sa itaas, ngayong taong kasalukuyan, sa Nobyembre o Disyembre, may mabunga at masaganang pag-a-abroad ang itatala sa kapalaran ng misis mo.




Comments