5th Asean ministerial meetings on sports ng PSC
- MC
- Oct 2, 2019
- 1 min read

Isinasapinalisa na ng Philippine Sports Commission ang paghahanda para sa hosting ng 5th ASEAN Ministerial Meeting (AMMS-5) on Sports kung saan halos 100 delegado mula sa lahat ng miyembrong bansa at Japan ang lalahok sa iba’t ibang aktibidad mula Okt. 6-10 sa Sofitel Hotel, Pasay City.
Ang Pilipinas ay nagsisilbing host at Chair ng AMMS-5 ng Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-9) mula 2019 hanggang 2020. Ikinatuwa naman ni PSC Chairman William Ramirez ang hosting opportunity at aniya, ”seeing this is a great opportunity to learn from our neighbors, and have the chance to show them what we also have in sports.”
Makakasama ni Ramirez ang mga Sports Ministers, senior officials at delegates mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, LAO PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Japan sa 5-day event na magsisimula sa working dinner sa Okt. 6.
Buong araw ng Okt. 7 idaraos ang SOMS-9 kung saan tatalakayin ang developments ng lahat ng member states, kasama ang proposals at plano upang mapag-ibayo ang kooperasyon sa larangan ng sports. Sa pag-host ng bansa, tinitingnan din ang kahalagahan ng 1st ASEAN plus Japan Meeting on Women and Sports.
Ang bawat bisita ay nagkaroon ng briefing upang gabayan ang bansa sa SOMS at AMMS hosting. Nagabayan din ni Ramirez ang mga bisita hinggil sa inisyatibo ng bansa sa grassroots sports na inaasahan niyang maibabahagi rin sa iba pang miyembrong bansa.





Comments