PDEA Chief, tinanggalan ng police escorts
- V. Reyes
- Oct 1, 2019
- 1 min read

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na ni-recall ang police security detail ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.
Nagkataon lang umano na nasabay ang nasabing recall order sa naging pahayag ni Aquino tungkol sa pagkakaroon ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa bentahan ng droga.
Sinabi ni Albayalde na gagamitin bilang bahagi ng augmentation team sa pinaghahandaang Southeast Asian (SEA) Games ang nasabing mga pulis sa Central Luzon.
Gayunman, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDEA Spokesman Derreck Carreon na hindi naman itinalaga sa SEAGames ang mga dating pulis na bahagi ng security team ni Aquino.
Kaugnay nito, lumiham na si Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang request na ibalik ang kanyang police security.
Nakasaad umano sa kanyang liham na hindi lamang siya ang may mga death threat dahil sa paglaban sa mga sindikato ng droga kundi maging ang kanyang pamilya.





Comments