top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Pagpapaliban sa Bgy. at SK Elections, lusot na

  • Mylene Alfonso
  • Oct 1, 2019
  • 1 min read

Inaprubahan na ng Senado sa third at final reading ang panukalang postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa May 11, 2020.

Pumabor ang 21 senador, walang tumutol at walang abstentions sa Senate Bill No. 1043 na inisponsoran ni Senadora Imee Marcos.

Itinakda ang susunod na eleksiyon sa December 5, 2022 matapos tutulan ng mga senador ang original na panukalang gawin ang BSK polls sa May 8, 2023.

Lumusot na rin sa House Suffrage and Electoral Reforms ang panukala at nakatakdang isalang sa plenaryo para aprubahan sa third and final reading.

Ayon kay Marcos, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, matitipid ng gobyerno ang halagang P5 bilyon para sa halalan at puwedeng ilaan sa ibang ahensiya na mas kailangan ng pondo.

“Nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko senador, lalo kina Senate Pres. Sotto, House Majority Leader Migz Zubiri sa mabilis na pag-apruba sa postponement ng Barangay and SK Elections. Ang kailangan na lang ay bicam conference ng dalawang kapulungan ng Kongreso para sa ratification at maisumite sa pangulo para sa paglagda nito,” ayon pa kay Marcos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page