top of page
Pokwang.jpg

Last minute siksikan sa registration, ‘wag sanang mabalewala

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2019
1 min read

Tulad ng inaasahan, pinilahan na naman ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa huling araw ng pagpaparehistro.

Ano pa nga ba ang bago sa mga pang-‘last minute’? ‘Yung iba, alas-6:00 pa lang ng gabi ng Setyembre 29 o bisperas ng last day ng registration ay nakapila na, tipong pa-morning-an ang laban. Kinabukasan, may mga pila na umabot na sa highway dahil lalo pang dumagsa ang mga humabol sa pagpaparehistro.

Hindi ba sila nasabihang nagsimula ang registration noon pang Agosto 1 o sadyang mas trip talaga natin kung kailan last day? Kaya ang ending, pare-parehong nahirapan. Napakahaba na ng pila, siksikan, mainit, maingay, may mga pagkakataon pang hindi nagkakaintindihan.

Samantala, kung dinagsa ang huling araw ng pagpaparehistro, inaabangan naman kung maaaprubahan ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

At habang wala pang pinal na desisyon, sana, ipagpatuloy lang ng mga kasalukuyang opisyal ang kanilang mga proyekto at programa. Kung mae-extend sila sa posisyon, gamitin nila itong pagkakataong mas makapaglingkod sa publiko.

Pero ‘yung mga pasaway d’yan, huwag n’yo nang hintaying mapalayas sa pamamagitan ng balota, magkusa na kayo at huwag kapit-tuko sa puwesto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page