top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 01, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 1, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 01, 2019 (Martes): Kumikilos ang iyong kapalaran sa pagpapataas ng iyong kala­­gayan. Itinakda na huma­wak ka ng matataas na pu­westo dahil ikaw ay para rito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo at huwag kang mag-alinla­ngan sa iyong kakayahan sa ba­gong negosyo na noon mo pa gustong subukan. Mas madali ito kaysa sa mga nauna mong negosyong ku­mikita na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-3-10-14-23-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papasulong ang buhay mo. Ang pag-unlad ay nasa iyong harapan kaya bakit ka pa aatras? Anu­mang pagsubok ang duma­an sa iyo ay dapat mong labanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-28-30-35-41-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Iaangat ka ng iyong kapala­ran kahit hin­di pa sapat ang iyong ka­kayahan. Dati nang ganyan ang takbo ng iyong buhay kung saan ito ay mabilis at nakagugulat. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-28-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang kaun­la­­ran at itakwil ang kahirapan dahil hindi ka isinilang para maghirap. Ang kasaganahan at ma­gandang kinabukasan ay para sa iyo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ga­nito ang sabi, ang nakaupo sa hulihan ay ti­na­tawag at pinauupo sa una­han. Mabuhay ka sa pag­­pa­pakumbaba at titinga­la­in ka habang ang nabu­hay sa pagmamataas ay ba­bagsak at mapapahiya. Ma­suwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-15-18-25-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutulungan ka ng iyong ba­gong kakilala para gumanda pa ang buhay mo. Huwag mo siyang tang­gi­han at pagdudahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-29-30-31-36-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lahat ng luma na ay pa­ngit sa pani­ngin. Marami ngayon ang sumi­sira sa bago para magmuk­hang luma. Ang dating ka­ibigan mo ay may maitutu­long sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-25-26-35-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala sa malayo ang tu­tulong sa iyo. Kung sino ang nasa mala­pit ay sa kanya idaraan ng langit ang matagal mo nang kahilingan at ikaw ay pagkakalooban ng ma­gandang kapalaran. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-19-28-30-35-43-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumu­long ka sa abot ng iyong maka­kaya at tumulong ka nang masaya. Sa ganitong para­an, pagpapalain ka at da­ra­mi ang mga suwerteng ibibigay sa iyo ng nasa ita­as. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-7-16-19-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papabo­ran ka ng na­katataas sa iyo. Pagdaramutan ka naman ng mga kapantay mo. Hu­wag kang magalit dahil ang buhay ay sadyang ma­hirap maunawaan at ka­gulat-gulat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-26-29-35-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isang dipa lang ang bahay pero, masa­yang naninirahan ang mga na­roon. Ito ang papasok sa isip mo ngayon kung saan maiisip mo na mas magan­da ito kaysa sa palasyong bato. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-25-29-30-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sadyang ang salita ng hula ay mahirap ma­­unawaan. Tulad sa iyo, ang sabi ng kapalaran mo ay aayawan mo ay magugus­tu­han mo rin. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-25-36-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page