top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Hirit sa Kamara.. Phaseout sa jeep, subsidy sa private cars, imbestigahan

  • Jeff Tumbado
  • Oct 1, 2019
  • 1 min read

Nais ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na maimbestigahan sa Kamara ang planong pagtatanggal sa mga jeep habang magbubuhos umano ng subsidiya para sa produksiyon ng mga pribadong sasakyan.

Diin ni Zarate, hindi katanggap-tanggap na ang drayber at operator ay maaaring matanggalan ng hanapbuhay sa phaseout ng mga jeep at pinagtitiis ng gobyerno habang may subsidiya ang malalaking kumpanya.

Ang binabanggit ni Zarate na subsidiya ay ang P27 bilyong Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program na nag-oobliga sa mga kumpanya na gumawa ng hindi bababa sa 200,000 units ng kada brand ng sasakyan sa loob ng anim na taon.

Dismayado ang kongresista na mas inuna pa aniya ng pamahalaan na tulungan ang malalaking kumpanya kaysa magbigay ng subsidiya sa rehabilitasyon at maintenance ng mga pampasaherong jeep.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page