top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Estudyante, 4 pa kulong sa droga

  • Maeng Santos
  • Oct 1, 2019
  • 1 min read

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 22-anyos na estudyante ang nasakote sa buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Mark Joseph Ebarita, 24; Renzo Dalawangbayan, 22; Alexis Nankil, 26; Kenneth Ordonia, 24, at Bernardo Aquino, 38.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Ramos Timmago, alas-6:10 ng umaga nang ikasa ang operasyon sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, kasama ang PDEA-CAMANAVA kontra kina Ebarita at Dalawangbayan sa Maya-Maya St., Bgy. Longos.

Nang iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500, sumugod agad ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money at walo pang sachets ng shabu habang kasama rin sa nadamba sina Nankil, Ordonia at Aquino matapos makuhanan ng tig-dalawang sachets ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page