Cayetano: P1.6 Bilyon, hindi pang-Deputy Speaker, pang-research lang ng kongreso
- Pabs Hernandez III
- Oct 1, 2019
- 2 min read
PALUSOT NI SPEAKER CAYETANO, SABLAY—Itinanggi ni Speaker Alan Peter Cayetano ang nabalita na sa mga deputy Speakers niya mapupunta ang P1.6 bilyong idinagdag umano nila sa badyet ng Kongreso kundi pang-‘research’ lang daw ito ng kanyang tanggapan.
Ganu’n, P1.6 billion, pang-research lang ng Kongreso?
Pambihira, magpapalusot din lang si Speaker Cayetano sa idinagdag nilang bilyones na pondo ng Kongreso, eh, sablay pa, buwisit!
◘◘◘
MGA U.S. SENATORS, DILAWAN?—Pinutakti ng pamba-bash ng mga DDS at Marcos loyalists sa social media ang mga U.S. senators na nagpanukalang ipaba-banned sa Amerika ang mga opisyal ng Duterte gov’t. na may kinalaman sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.
Tirada ng mga DDS at Marcos loyalists, dilawan daw ang mga U.S. senators kaya kampi sila kay Sen. De Lima, ha-ha-ha!
◘◘◘
9 TAGA-SC NA BUMOTONG MAKULONG SI SEN. DE LIMA, BAKA MA-BAN NA RIN SA AMERIKA—Humirit noon si Sen. De Lima sa Supreme Court (SC) na palayain siya sa kinahaharap niyang drug case dahil ang dapat daw nagkaso sa kanya ay Ombudsman at hindi ang Department of Justice (DOJ) at sa botohan, siyam na Mahistrado na sina Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Alexander Gesmundo, Andres Reyes, Teresita de Castro (ret), Presbitero Velasco (ret), Mariano del Castillo (ret), Samuel Martires (ret.) at Noel Tijam (ret) ang nagbasura sa hirit ng senadora na makalaya.
Naku, hindi kaya mapabilang na rin ang siyam na Mahistradong ito sa listahan ng mga ipaba-banned ng mga U.S. senators sa Amerika? Boom!
◘◘◘
MAYOR MALAPITAN AT COL. FLORES, BAKA MALINTIKAN KAY P-DUTERTE DAHIL SA JUETENG?—Nagkalat na rin daw ang mga kubrador ng jueteng sa Caloocan City.
Kung totoo ito, dapat ipahuli agad nina Mayor Oscar Malapitan at Col. Noel Flores ang mga maghu-jueteng kasi baka malintikan sila kay P-Duterte, dahil ang gusto ng pangulo na mag-operate ay ang legal na STL ng PCSO at hindi ang illegal na jueteng, period!





Comments