Bidang aktor, nag-abroad, iniwan ang serye… Jasmine, umaming nadi-delay ang taping dahil kay Dingdon

Bukod sa pelikulang Cara X Jagger ay excited din si Jasmine Curtis sa upcoming series niya sa GMA-7, ang Pinoy Adaptation ng Korean hit drama na Descendants of the Sun with Dingdong Dantes.
Nag-training pa si Jasmine para sa kanyang role bilang Moira na kapareha ni Rocco Nacino. One day lang naman daw siyang nag-training na more on medical pero naturuan naman siyang humawak ng baril.
Nakapag-taping na raw siya at natigil nga lang dahil umalis nga for Germany ang leading man na si Dingdong Dantes para sumali sa Berlin Marathon. Bukod dito ay naghihintay pa raw sila ng confirmation ng leading lady na hindi pa nga inaanunsiyo ng GMA-7. Natanong si Jasmine kung sino ba talaga ang lead actress ng DOTS at safe niyang sagot, talagang wala pa siyang alam.
“Wala pa akong nakukuhang confirmation kung sino, kung siya na ba talaga,” sey niya.
Nag-taping na nga raw lahat ng cast at bukod-tanging ang leading lady na lang ang hindi pa.





Comments