top of page
Pokwang.jpg

Annulled na sa unang asawa… Derek, umaming puwede nang pakasalan si Andrea

Nitz Miralles
Oct 1, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Majority sa mga nag-comment sa video na ipi­nost ni Derek Ramsay ha­bang nasa taas ng Dubai skyline ang nagsabing hindi nila kaya ang zipline na ginawa ni Derek sa sob­rang taas at buong Dubai yata ang dinaanan nito. Si Derek lang yata ang nag-zipline dahil hindi nakita si Andrea Torres.

Nanghinayang pala ang mga shippers ng da­lawa na sa isa pang video, habang nasa car sina Derek at Andrea, hahaplusin sana ng aktres ang mukha ng aktor, kaso biglang naputol ang video. Pinutol daw ni Derek ang kilig na sana nilang nararamdaman.

By this time, nasa bansa na sina Derek at Andrea at tiyak, mag-aabang ang mga fans na sila’y makita. ‘Yun nga lang, habang pa-sweet nang pa-sweet ang bagong magkarelasyon, parami naman nang parami ang isyung ibinabato kay Derek ng kanyang mga bashers.

Kesyo hindi niya mapapakasalan si Andrea kung sakali dahil hindi pa annulled ang aktor sa kanyang first wife.

“That’s not true,” ang sagot ni Derek na ibig sabihin, annulled na ang kasal niya at kung balak nilang magpakasal ni Andrea, walang magiging problema.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page