Singer daw, 'di naman artista… Imelda. tinarayan ng veteran actress, wa' raw 'K' mag
- Erlinda Rapadas
- Sep 30, 2019
- 1 min read

May ilan daw datihang miyembro ng KAPPT (actors guild) ang kumukuwestiyon kung bakit ang music icon na si Imelda Papin ang iniluklok sa puwesto bilang pangulo ng samahan?
Ang patutsada pa raw ng veteran actress, singer lang at hindi naman artista ang Asia’s Sentimental Singer, kaya walang “K” pamunuan ang KAPPT.
Well, kung sumikat man noon (at hanggang ngayon) ang Jukebox Queen na si Ms. Imelda Papin, eh, nakagawa rin naman siya ng ilang pelikula. So, artista pa rin siyang maituturing at kasama sa mga miyembro ng KAPPT.
Mga aktibong miyembro at mga datihang opisyales ng KAPPT ang pumili at bumoto kay Imelda. Hindi siya appointed lang.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng KAPPT, maraming pagbabagong naganap. Nagawan ng paraan ni Imelda na ang lahat ng miyembro ng KAPPT ay maka-avail ng SSS membership. May mga fundraising projects din siyang inilunsad at kasama ang iba pang opisyales ay sama-sama at nagtulung-tulong upang maging matagumpay ang mga projects ng KAPPT.
Eh, ‘yung nagrereklamong veteran actress, may nagawa ba o naitulong sa KAPPT?
Naihalal na vice-governor ng Camaries Sur si Imelda Papin pero ang pagkanta at pagso-show ay bahagi pa rin ng kanyang buhay. Kasabay ng kanyang 45th anniversary sa showbiz, may concert siyang gagawin sa Philippine Arena, ang Imelda Papin Queen @45 na gagawin sa Oct. 26, at 6 PM.
Special guests sina Eva Eugenio, Claire Dela Fuente, Andrew E., April Boy Regino, Marco Sison at Pilita Corrales.





Comments