top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Phl Nat'l Muay Team, Asinta ang overall championships

  • Gerard Arce
  • Sep 30, 2019
  • 1 min read

Puntirya ng Philippine National Muay Team ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon ngayong taon.

Nais ng pambansang koponan na madomina ang 9-event sa biennial meet simula sa Dis. 2-8 sa Subic Bay Exhibition Center sa Olongapo matapos mapagwagian ang kabuuang kampeonato noong 2005 SEAG sa Pilipinas sa pamamagitan ng 3-3-2 medal haul.

Sasandal ang mga ito sa ekspersyensang dala-dala sa apat na bigating pandaigdigang torneo kasama ang Arafura Games sa Australia noong Abril, ang World Championships sa Thailand, ang East Asian sa Hong Kong at ang katatapos na World Masters sa Korea.

Dahil sa kagustuhang makamit ang layunin na muling lilipad pa sa Thailand ang koponan upang dumaan sa ma­tinding ensayo at paghahanda ng isa’t kalahating buwan.

Inamin ni National Coach Billy Alumno na malaking bagay ang pagkakaroon ng dagdag kaalaman sa boxing skills na tiyak na magagamit laban sa powerhouse Thailand na na­panalunan ang overall title sa 2-3-0 gold-silver-bronze re­cord, habang isang bronze lang ang nakuha ng bansa mula kay Ryan Jakiri sa men’s 63.5kgs.

Mabigat ding makalalaban ng Pilipinas ang Malaysia, Cambodia at Vietnam sa biennial meet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page