top of page
Pokwang.jpg

Nagpalaglag, hindi umepek, ayaw panagutan ng nakabuntis, gulung-gulo

Roma Amor
Sep 30, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Joanne, 22, at may isang taong gulang na anak. Okay naman ang pagsasama namin ng ka-live in ko, pero nag-away kami dahil sa bisyo at pambababae niya. Napagkasunduan na naming maghiwalay pero susustentuhan niya ang anak namin. Pagkalipas ng ilang linggo, nakaramdam ako ng hilo at kinumpirma ng doktor na buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya sinubukan kong ipalaglag ang baby, pero nabigo ako dahil matindi ang kapit niya. Nu’ng sinabi ko sa ex ko na buntis ako, hindi siya naniwala. Roma, ano ang gagawin ko? — Joanne

Joanne, Hindi madali ang pinagdaraanan mo, pero dapat mong tandaan na ang pagkakaroon ng anak ay blessing dahil sila ay nabuo sa pagmamahalan ng dalawang tao. Maaaring ang pagiging makapit ng baby mo ang sign para bigyan siya ng karapatang mabuhay. Mahirap maging single- mom, lalo na kung dalawa ang palalakihin mo, pero wala man sa tabi nila ang kanilang ama, siguradong maraming tutulong sa iyo tulad ng iyong pamilya. Gayundin, kailangan mo itong kayanin para sa iyong mga anak. Kaya mo ‘yan, momshie. Good luck and God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page