Mga presong may ‘K’ talagang lumaya, pinalaya na
- BULGAR

- Sep 30, 2019
- 1 min read
Pinalaya na ang mga sumuko na hindi naman dapat sumuko kaugnay sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Matatandaang, maraming nakalaya na ang nagsisuko matapos magdeklara ng 15 araw na ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lumaya dahil sa GCTA.
Ang nangyari, sobra-sobra ang sumurender dahil sa takot na mapatungan sa ulo at mapatay. Kabilang sa kanila ang mga presong lumaya na dahil sa acquittal, pardon at parole at hindi sa GCTA.
Ilang araw muna silang nasa pangangalaga ng mga awtoridad hanggang nitong Biyernes at Sabado ay tuluyan nang pinalaya ang nasa 87 katao. Unang pinalaya nitong Biyernes ang 35 convicts, sumunod ang unang dalawang batch sa natitirang 52 convicts na nakalaya noong Sabado.
Ang mga convict na nakatira sa Metro Manila ay agad pinalaya habang inaayos ang transportasyon ng mga nakatira sa mga lalawigan.
Ngayon, ang tanong ng marami, naiayos na ba ang sablay na listahan ng mga presong pasok sa GCTA? Sigurado na bang walang ‘kakaiba’ sa mga detalye ng preso?
Hindi lamang ito isyu sa mga presong karapat-dapat mabigyan ng pagkakataong makalaya kundi maging sa kanilang mga nabiktima na umaasang maipapataw nang tama at makatarungan ang batas.





Comments