Mga dapat gawin para suwertehin ang negosyo ngayong oktubre
- Sr. Socrates Magnus II
- Sep 30, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang masusuwerteng araw ngayong Oktubre.
Ang lahat ng araw sa buwan ng Oktubre ay masuwerteng araw sa pagmamahalan kung saan ang pangunahing layunin ay makasama ang mamahalin, habambuhay.
Dahil dito, hindi masuwerte ang anumang sisimulang pakikipagrelasyon kapag hindi totoo ang pagmamahal kung saan ang ibig sabihin ng “totoo” ay magmamahalan for life.
Mapalad ang anumang negosyong may kaugnayan sa personal beauty ng babae at lalaki. Gayundin, sa buwang ito magandang simulan ang negosyo na may kinalaman sa pagkain, karinderya, restoran at food services.
Narito pa ang ilang impormasyon:
Ang ika-1, 13 at 28 ng Oktubre ay mapalad sa mga place of business na nakaharap sa east o silangan.
Ang ika-5, 22 at 30 naman ng buwan ay mapalad kapag ang place of business ay nakaharap sa north o hilaga.
Gayunman, ang ika-9, 17 at 26 ng Oktubre ay mapalad kapag nakaharap ang place of business sa south o timog habang ang ika-7, 18 at 25 ay mapalad kapag ang puwesto ng negosyo ay nakaharap sa west o kanluran.
Para sa lahat, ang mga negosyo ay susuwertehin sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
Magsaboy ng asin sa place of business sa umaga. Hindi kailangang araw-araw dahil isang beses lang ay ayos na.
Pagsuotin ng pula ang mga empleyado at may-ari ng negosyo. Hindi ito kailangang gawin sa buong buwan, sa halip, ipinapayo na gawin ito tuwing Biyernes.
Maglagay ng flowers at palitan kapag nalanta na. Gawin ito sa buong buwan.
Maglagay ng mga pandekorasyon na naka-frame kung saan makikita na masaya ang buhay sa mundo. Halimbawa, ang mga larawan ng mga magsasaka na umaani o larawan na nagpakita ng harvest time at mga mangingisda na maraming huli.
Maganda rin ang larawan ng puno na hitik na hitik sa bunga.
Puwede ring ilagay ang larawan ng masasarap na pagkain.
Hindi kailangang gawin ang lahat ng nabanggit dahil sapat na ang isa o ilan pa.
Good luck and God bless.




Comments