Habang tumotoma.. Konsehal at 2 tanod niratrat, todas
- Jeff Tumbado
- Sep 30, 2019
- 1 min read

Kapwa nasawi ang tatlo katao kabilang ang isang barangay kagawad at dalawa pa nitong tanod nang ratratin ng riding-in-tandem sa kalagitnaan ng kanilang pagtatagayan sa Pikit, North Cotabato.
Dead-on-the-spot sa Sitio Vilo, Bgy. Takepan ang mga biktimang sina dating barangay kapitan at ngayon ay konsehal na si Andrew Lumibao, 53, at sina Michael Arroyo at Robert Ayona, kapwa miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).
Ayon kay Police Captain Mautin Pangandigan, alas-6:45 ng gabi ng Sabado nang pagbabarilin ng apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo ang mga biktima.
Nabatid sa imbestigasyon na ang tatlo ay nasa kalagitnaan ng inuman habang nasa tabing-kalsada ng national highway sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga sinisilip ng mga awtoridad sa posibleng motibo sa krimen ay ang personal na galit sa tatlo at ang ilegal na kalakalan ng droga sa kanilang nasasakupan.
Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek.





Comments