BFF na kausap sa telepono, lokang-loka sa trip ng aktres… Claudine, todo-hagulgol nung una, nang tum
- BULGAR

- Sep 30, 2019
- 1 min read

Photo: @claubarretto
Speaking of Claudine, mukhang excited na rin siya sa balik-tambalan nila ni Papa P.. Kaya lang, may ‘di masyadong magandang balita ang nakarating sa amin.
According to our source, kinakabahan ang isang concerned friend (CF) ni Claudine sa inaasal at nararamdaman ng dating “Reyna ng Teleserye sa Dos.”
Eh, kasi, nalorkey si CF nu’ng biglang tinawagan siya ni Claudine at humagulgol sa kanya over the phone kamakailan lang. Iyak daw nang iyak si Claudine habang nagkukuwento.
Takang-taka si CF dahil ‘di niya maintindihan kung bakit ganu’n na lang ang iyak ni Claudine gayung wala namang problema ang aktres.
Pero ang mas ikinaloka ni CF, matapos daw humagulgol sa kanya ng aktres, nu’ng tumawag ulit sa kanya si Claudine, tawa naman daw ito nang tawa habang may itsinitsika sa kanya. Hindi maintindihan ni CF kung ano’ng nangyayari kay Claudine.
Kalorkey! May pinagdaraanan na naman ba ngayon si Claudine?
O baka naman nagpa-practice lang ang aktres na mag-internalize in preparation sa movie nila ni Piolo?
Ang tagal din naman kasing nabakante ni Claudine sa pag-arte kaya baka tine-testing lang niya si CF para malaman kung kinakalawang na siya.
Ganern!





Comments