top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ateneo, sweep sa 1st round; Red Warriors, nagpasuko

VA
Sep 30, 2019
1 min read

Ganap na winalis ng reigning back-to-back titlist Ateneo ang unang round ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament matapos igupo ang nakaraang taong losing finalist University of the Philippines 89-63 kahapon sa Araneta Coliseum.

Buhat sa dikdikang laban sa simula, unti-unting kumalas at lumayo ang Blue Eagles sa pagtutulungan nina Angelo Kouame, Thirdy Ravena, Matt Nieto, SJ Belangel at William Navarro tungo sa ika-7 sunod nilang panalo sa larong sinaksihan ng kabuuang 19, 681 katao.

Naapektuhan ng pagka-thrownout ni coach Bo Perasol may 6:23 pang nalalabi sa 3rd quarter ang laro ng Maroons matapos sugurin ang referee dahil sa isang non-call, lamang na noon ng double digit ang Ateneo, 47-35.

Dahil sa panalo na pinangunahan ni Kouame na tumapos na may 19 puntos, 15 rebounds at 7 blocks, humaba din hanggang 17 laro ang kanilang winning streak.

Nanatiling nasa 2nd spot ang Maroons na tumapos na may markang 5-2.

Samantala, sa unang laro, pinataob ng University of the East ang National University, 78-72.

Hindi nakalaro dahil sa injury sa nakaraang dalawa nilang laban, pinamunuan ni Philip Manalang ang 16-4 na simula ng Red Warriors na naidiretso nila sa panalo upang tumapos na may 2-5 na kartada.

Si Manalang din ang tumapos sa inilatag nilang 15-2 blast sa pagitan ng 3rd at 4th quarters na bumasag sa pagkakatabla ng iskor sa 45-all. Nakadikit pa ang NU sa pagtutulungan nina rookies Patrick Wilson Yu, Mike Malonzo at Migs Oczon, matapos ang itinalang 9-0 run. 68-69 sa loob ng huling apat na minuto sa oras.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page