3 timbog sa droga at sumpak
- Maeng Santos
- Sep 30, 2019
- 1 min read

Kulong ang tatlo katao kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng baril, mga bala at P20,000 halaga ng ilegal na droga sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) Head P/Major Timothy Aniway, Jr., ang mga naarestong suspek na sina Alexander Pariñas, 38; Crizaldo Laude, 28, at Rochelle dela Cruz, 38, pawang mga residente ng Talakitok St., Bgy. 18, Libis Nadurata.
Sa imbestigasyon ni PCpl. Berzon Embile, alas-6:00 ng umaga, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng DSOU kontra sa top most wanted person sa Talakitok St. nang mapansin si Pariñas na may nakasukbit na improvised shotgun o sumpak sa kanyang tagiliran.
Inaresto ng mga pulis si Pariñas, kasama sina Laude at Dela Cruz kung saan nakumpiska sa mga ito ang isang sumpak, anim na bala ng 12 gauge shotgun at pitong sachets ng pinaniniwalaang shabu na nasa P20,000 ang halaga.





Comments