University nilooban, P300-K natangay

Aabot sa P300,000 ang natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek mula sa isang unibersidad sa Bgy. Marawoy, Lipa City, Batangas.
Ayon sa tagapamahala ng University of Batangas, alas- 5:30 ng madaling-araw habang rumoronda ang naka-duty na security guard nang mapansin nitong bukas ang pintuan ng opisina ng kahera sa ibabang bahagi ng paaralan.
Napansin nitong nagkalat ang mga kagamitan sa loob at bukas ang main vault.
Agad ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente. Inaalam na kung nahagip sa CCTV ang insidente upang agad matukoy ang responsable sa panloloob sa nasabing unibersidad.





Comments