Pambu-bully ng mga Chinese sa mga Pinoy sa WPS, tuloy pa rin
IPAI-IMPEACH ng U.S. Congress si President Donald Trump. Nahawa na sila sa ‘Pinas!
***
MAS masuwerte si P-Digong kaysa kay Pres. Trump. Kasi kontrolado ni P-Digong ang Kongreso!
***
TULOY lang ang pambubuwisit ng mga Tsekwa sa West Philippine Sea (WPS). May araw din ang mga ‘yan!
***
BIGLANG-sikat si dating Kapitana Guia ng Maynila. Puwede nang isapelikula ang buhay niya!
***
HINAHANAP ang mga “BFF” ng Drug Queen. Huh, ‘yan ang napakadaling matukoy. Buksan ninyo ang kanyang FB account, bistado agad!
***
‘YAN ang malaking problema sa pakikipagkaibigan at pakikipag-selfie. Sa bandang huli, kung ano ang krimen ng ka-selfie mo, ‘yun din ang krimen mo. He-he-he!
***
MULA nang mauso ang ‘selfie’ at social media, nagbawas ako ng kaibigan. ‘Yung mga gustong makipagkaibigan, sinasabihan kong daragdag ka pa, eh, nagbabawas nga ako ng ‘friend’!
***
HINDI na rin ako dumadalo sa mga sosyalan. Kasi kapag nakipag-selfie ako tapos na-entrapped, madadamay pa me!
***
TAPOS kapag nakipag-selfie sa‘yo ang suspek, magiging suspek ka na rin. Puwedeng gamitin ang “selfie” sa panraraket, puwedeng ipagsabi na kaibigan mo siya kahit dumikit ka lang sa sosyalan!
***
MALAKI na ang nabago sa lipunan sa nakaraang limang taon. Ang national elections sa 2022 ay magkakaroon din ng napakalaking pagbabago sa kampanya. Maaaring manalo ang mga taga-social media!
***
NAGTATAKA tayo kung bakit hindi magamit ng mga awtoridad ang social media para mabawasan ang kriminalidad. Kabaligtaran ang nangyayari, ang social media ay mas ginagamit pa ngayon ng mga “kriminal” imbes ng mga awtoridad!





Comments