Mga dahilan kaya nadi-delay ang mens
- Dr. Shane Ludovice, M.D.
- Sep 29, 2019
- 1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 35 years old at may 2 anak. Mahigit isang buwan na akong hindi nireregla, hindi naman ako buntis dahil matagal na kaming hiwalay ng asawa ko at wala rin akong bagong karelasyon. Worried ako dahil ngayon lang ito nangyari. Ano ba ang sanhi nito? — Reena
Sagot Narito ang ilan sa mga dahilan na nakaaapekto sa menstrual cycle:
• Pills o iba pang gamot
• Stress o sobrang pagod
• Pagkakasakit
• Pagbabago ng timbang
• Sobrang ehersisyo o sports
Maraming sanhi kung bakit hindi dinaratnan ng regla bukod sa pagbubuntis, ito ay hindi dapat ikabahala. Pero kapag ito ay magpapatuloy ng higit sa dalawang buwan at kung may iba ka pang sintomas na nararamdaman, mahalagang magpatingin ka na sa OB-Gyne upang masuri ang posibleng sanhi nito.




Comments