Loonie, after mahulihan ng droga… Mga rappers sa FlipTop Battle, dapat tutukan ng PDEA
- Janice DS Navida
- Sep 29, 2019
- 2 min read

Photo courtesy : Youtube
Nakakatuwa naman ang advocacy ng rapper at bagong recording producer na si Marlon “Khen” Magat dahil nagtayo siya ng talent agency na tutulong sa mga wannabe rappers na magkaroon ng puwang sa industriya at marinig ang kani-kanilang musika.
Ang kaibahan ng talent agency ni Khen, sinigurado niyang “drug-free” ang lahat ng talents na kinuha niya at ipinagprodyus ng launching album titled A Tune Music kung saan ipinakilala sa album launch ang single na ‘Wag Ako featuring Khen Magat and Shane Joves.
Dahil sa sinabi ni Khen na gusto niyang baguhin ang image ng mga rappers sa ‘Pinas na napagkakamalang mga adik dahil sa porma at hitsura, natanong tuloy ang reaksiyon niya sa latest controversy sa kapwa rapper na si Loonie.
Sa pagkakakilala naman daw ni Khen kay Loonie, hindi siya naniniwalang drug pusher ang rapper tulad ng ibinabato ritong akusasyon matapos mahulihan ng marijuana.
Pero aminado si Khen na sa mundo ng fliptop battle, “marami raw siyang nakikita na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao” at malaman din ang sinabi niyang “Kaya lagi akong talo sa fliptop battle ay dahil wala akong bisyo.”
Tinanong tuloy namin si Khen kung hindi ba siya natatakot sa kanyang statement na parang ‘inilalaglag’ niya ang mga kasamahan sa fliptop battle.
Aniya, wala siyang dapat ikatakot dahil nagsasabi lang siya nang totoo. But when asked kung willing siyang makipagtulungan sa PDEA (Phil. Drug Enforcement Agency), napangiting sabi ni Khen, “Busy po ako.”
Hmmm… O, ayan na, ha? Siguro naman, mas mapapadali ang trabaho ngayon ng PDEA.
Anyway, bilib kami sa mga talents ni Khen Magat na nag-perform sa album launch ng A Tune Music kung saan kasama rin ang GMA-7 child star na si Alliah, ang Jamajesty, si Trichea at sina Efraim, Axcel at ang trio group nina Blasty, Crainzee at Spank.





Comments