top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

65-anyos na lola, nasagasaan ng motor, dedbol

Pabs Hernandez III
Sep 29, 2019
1 min read

PANGASINAN — Patay ang 64-anyos na lola nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Maramba Blvd., Lingayen.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Demetria Guillermo, nakatira sa nabanggit na bayan, samantalang, inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng driver na sugatan at ginagamot pa sa ospital.

Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya aksidente nitong nabangga ang biktima na tumatawid sa kalsada. Kaagad dinala sa ospital ng mga saksi si Guillermo at ang driver ng motorsiklo na kapwa nabagok ang ulo sa kalsada, pero idineklarang dead-on-arrival ang lola.

Nahaharap ang driver ng motorsiklo sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page