6 Chinese tiklo sa illegal gambling

Timbog ang anim na Chinese dahil sa illegal gambling sa Ponte St., Bgy. Tejeros, Makati City, kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, ang mga nahuling dayuhan na sina Cheng Jiang Kun, 25, online employee; Chen Jiang Sheng, 26, online employee; Lili Sheng Jin Jiang, 47; Wang Gui Sen, 31, pawang nanunuluyan sa Bgy. Terri’s, Makati City.
Sa ulat ng Makati City Police, isang tawag ang natanggap ni P/Major Gideon Ginez, kaugnay sa nagaganap na ilegal na sugal sa isang bahay sa nabanggit na address.
Agad bumuo ng team ang Makati Police at sinalakay ang bahay na ginagawang pasugalan.
Pagdating sa lugar, naulinigan ang pag-iingay sa loob at huli sa akto ang dalawang Chinese na lalaki na naglalaro ng baraha na may nakatayang pera sa mesa.
Apat pang dayuhan ang nahuli sa aktong tumataya na dahilan upang arestuhin ang mga nasabing suspek.
Nakuha mula sa mga ito ang 52 pirasong baraha, P58,630 cash, chips at electronic table. Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek.





Comments