top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2nd win, itinala ng KaTropa; McDaniels, bumida sa TNT

ATD
Sep 29, 2019
2 min read

Nasilo ng TNT KaTropa ang pangalawang sunod na panalo matapos pagpagin ang Rain or Shine Elasto Painters, 103-91 sa PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Bumomba si reinforcement KJ McDaniels ng 37 points, 13 rebounds at 5 assists upang isampa ang KaTropa sa top spot kasalo ang NLEX Road Warriors na may tig 2-0 records. Tumulong din sa opensa para sa TNT si Troy Rosario na nagtala ng 16 puntos, 9 na boards at 2 assists.

Bahagyang nakaungos ang KaTropa sa unang dalawang periods, nakalamang sila ng 5 puntos, 49-44 sa halftime. Nanatili ang matikas na laro ng TNT sa third period, umalagwa ang kanilang bentahe sa siyam, 81-72 papasok ng 4th.

Hindi natinag ang KaTropa sa payoff period kahit nagbadyang kumapit ang Elasto Painters kaya nanatiling malinis ang kanilang karta sa dalawang salang.

Samantala, sisikapin ng Alaska Aces na mahanap ang unang panalo kaya walang ibang nasa kukote nila kundi talunin ang pinapaborang San Miguel Beer sa ala-6:45 ng gabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex. Lubog sa 0-2 ang Aces matapos yumuko sa Columbian Dyip, 110-117 at Barangay Ginebra Gin Kings, 83-102 sa kanilang unang dalawang laro. Tangan ng Beermen ang 1-0 karta, pakay naman nilang sumama sa top spot ng team standings.

“For a change, we had a good start from a championship (in the Commissioner’s Cup). Our stint in the Macau tourney helped us a lot,” saad ni SMB head coach Leo Austria. “We had a good bonding and it helped develop the team chemistry.”

Masaya si Austria sa laro ng kanyang locals at import na si Dez Wells.

Susubukan muli ng Aces ang kanilang reinforcement na si Justin Watts, sa kanyang huling laro kontra Ginebra, nagtala ito ng 22 markers at 12 boards. Magtatapat sa unang laro ang Blackwater Elite at NLEX Road Warriors sa 4:30 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page