2 tricycle drivers, 2 pa huli sa droga

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operations ng mga pulis sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-8:20 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCpt. Deo Cabildo ang buy-bust operation sa 123 Bayani St., Bgy. 37 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richard Victorio alyas Utoy, 18, matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.
Narekober pa sa suspek ang 20 sachets ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.
Alas-11:00 naman ng gabi nang madamba ng mga operatiba sa buy-bust operation sa 586 Tagaytay St., Bgy. 128, si Richard Andrade alyas Amo, 43, tricycle driver, at nakumpiska sa kanya ang P200 buy-bust money.
Nauna rito, alas-2:30 ng hapon nang matimbog din sa buy-bust operation sa 78 Don St., 6th Ave., Bgy. 115, sina Julius Bartolo alyas Onyot, 40, at Jeffrey Bartolo alyas Totoy, 40, tricycle driver matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlo pang sachets ng shabu at P300 buy-bust money.





Comments