Truly Ponti vs. Hamlet sa CRM

Aalagwa ngayong hapon ang Condition Race na lalahukan ng mga magagaling na mananakbo na kapapalooban ng Winner Take All (WTA), pick 6, pick 5 at pick 4 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Kasabay nito magaganap din ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Unang bibitiwan ang race 1, na kung saan magsisimula ng WTA at pinapaboran ang Truly Ponti sa mga kalaban na Mandatum, Hamlet, at Mood Swing.
Sa race 2,nakalalamang ang Our Secret at posibleng talunin ng couple entry na Chapel Hill at Excellence. Magkakasubukan ang Sorority Girl, couple entry na Native American at Zamba Night at couple entry na Kisskissbangbang at Humuhumunukunuku,kasabay ng 2nd WTA sa race 3.
Sa Race 4, magkakalaban ang Sky Plus, Fighter in the Wind at couple entry na Marino ng Tanglaw at Baling Rikit kasabay ng panimula ng pick 6. Sa race 5,nakalalamang ang Great Style kontra sa Lady Benevolentia kasabay ng pick 5 event. Pinapaboran ang Concepcion habang makakalaban ang Jebel Ali ,Case Bell at Anika’s Will sa race 6 kasabay ng Pick 4.
Sa race 7 mag-uunahan ang King Gil at Dealmaker, isama sa trifecta quartet, Pentafecta at Super Six ang Oasis, Filipino Emperor, Sheer at Diwalwal. Maganda ang laban sa condition race 15 sa race 8 sa pagitan ng The Catalyst, Magtotobetsky, My Dad Bogart, Pax Britannica at couple entry na Be Humble at No Regret. Nakalalamang ang Bitcoin at Toscana at isama sa paratingan sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang You Never Know, Double Rock, Hayaku Jabez at Bato.





Comments