top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PSL-mainit ang rivalry ng Cargo at Blaze Spikers

  • MC / VA
  • Sep 28, 2019
  • 2 min read

Babalikan ng F2 Logistics at Petron ang kanilang pagiging magkaribal sa pagtutuos sa Philippine Superliga Invitational Conference ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magsisimula ang laro ng 4 p.m. kung saan target ng Cargo Movers na madomina ang laro makaraang maghari sa All-Filipino Conference sa prestihiyosong Women’s Club League.

Mauuna rito, isang simpleng opening ceremony ang idaraos sa pagsisimula ng bagong conference ng alas-12 ng tanghali bago aasamin ng Sta. Lucia ang ikalawang panalo ng 2 p.m na bakbakan.

Pakay din ang ikalawang panalo ng Cignal laban sa Foton ng 6 pm. Sa tikas ng Fil-Am spiker na si Kalei Mau, matinding laban ang ipinakikita ng Cargo Movers.

Pinatunayan ni Mau, dating Arizona Wildcat player ang husay pagdating sa kampeonato nang bitbitin niya ang Cargo Movers para makopo ang titulo sa All-Filipino Conference noong nakaraang buwan.

Ang kanyang solidong banat, malakas na depensa at overall leadership ay perpekto sa tikas ng mga kakampi niyang sina Aby Marano, Dawn Macandili, Kim Fajardo, Ara Galang, Kianna Dy at Majoy Baron na papasok na taglay ang mataas na morale sa laro makaraang itanghal na Best Middle Blocker sa first leg ng prestihiyosong ASEAN Grand Prix sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong nakaraang Linggo.

Pero ang Invitationals ay ibang level na. Ang Petron Blaze Spikers ay magpapalakas pagbalik sa torneo mula sa papetiks na performance sa All-Filipino Conference.

Sinabi ni head coach Shaq Delos Santos na ang ‘shocking loss’ ay nagsilbing isang malaking leksiyon sa plano nilang mas mapalakas pa ang laro sa Invitational Conference. “We will do our best to bounce back,” ayon kay Delos Santos, na papasok sa laro kahit wala ang kanilang star middle blocker na si Mika Reyes.

“This is a very short tournament and every game counts. It’s good that we will be facing F2 Logistics early so we can gauge where we are right now against a solid team like them.”

Samantala, seryoso Cignal HD Spikers na kunin ang korona. Galing sila sa panalo kontra PLDT noong Martes, pakay ng HD Spikers na palawigin ang winning streak sa bisa ng tikas ni Rachel Anne Daquis at Roselyn Doria na may pinagsamang 23 puntos. “It was a good start for us, we needed that kinds of morale boost to kick off our campaign,” ayon kay Cignal coach Edgar Barroga. “But we can’t be complacent, that was just the start we still have a long way to go.”

Pahirapang conference naman ito sa Foton na yumuko sa Sta. Lucia habang sina Jaja Santiago at Dindin Manabat ay nasa Japan at naglalaro sa Ageo Medics at Kurobe AquaFairies sa V. Premier League.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page