Pangarap na BF, makukuha sa pamamagitan ng pagma-magnet ng isip
- Socrates Magnus
- Sep 28, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jace ng Jace _Vang@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na may lalaking yumakap sa akin at nagtanong kung puwede raw bang maging kami at umoo naman ako.
Hanggang sa panaginip na lang ba may yayakap sa akin?
Naghihintay,
Jace
Sa iyo Jace,
Nakakatuwa ang tanong mo kung hanggang sa panaginip na lang ba na may yumayakap sa iyo.
Gayunman, may makikita pa ring katotohanan na madalas nating sinasabi na ang mga pahiwatig ng panaginip ay ang mga kagustuhan at kailangan ng nanaginip.
Ang maganda sa ganitong klase ng panaginip ay ang isa pang katotohanan na ang iyong malalim na kamalayan o unconscious self ay hindi nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay magkakaroon ka ng love life.
Hindi ka matutulad sa iba na talagang wala na, as in, dahil wala nang hope sa puso nila, nagsara na ang pintuan ng love sa kanilang buhay.
Alam mo, sobrang powerful ng unconscious mind. At dahil dito, narito ang ilang puwede mong gawin para mapakinabangan ang malakas mong unconscious mind.
Kahit saan ka magpunta, isipin mo ang nasabing panaginip.
Kapag may nakaharap kang lalaki, isipin mo ang iyong panaginip. Pero, gawin mo ito kapag may hitsura ang kaharap mo.
Ito ang paunang paraan sa tinatawag na “magnetismo”. Ang magnetismo ay ang panggagayuma na kailangang ma-magnet o magayuma ang isang tao gamit ang kapangyarihan ng isip.
Kaya mo ba itong gawin? Lahat ng pagmamahalan ay sa ganitong paraan nagsimula, minagnet ng isa ang isa pa kaya naging sila.
Hanggang sa panaginip ka na lang ba may kayakap? Hindi, dahil ang iyong unconscious self ang gagawa ng paraan para magkaroon ng katuparan ang iyong napanaginipan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments